Mayo 2, Sabado ng gabi, lumabas ang isang bidyo na nagpakitang pagsingil ng higit isangdaang residente ng Barangay 105, GK Happyland sa distrito ng Tondo 1 sa Maynila sa kanilang mga opisyal ng barangay matapos maghintay ng matagal pero hindi nakatanggap ng ayuda.

Ayon sa mga residenteng nasa bidyo, umaga pa nakaabang na sila para makakuha ng P8,000 na emergency subsidy sa Social Amelioration Program (SAP), lalo na para sa mga nasunugan na mga residente doon. Tinatayang isang libong pamilya ang apektado ng sunog sa komunidad noong Abril 18. Ngunit inabot na sila ng gabi ay hindi pa rin nabigyan ang kalakhan.

Ayon sa nag-upload ng live video, nang sumapit ang 6:30 ng gabi ay pinapaalis na ang mga nakaabang na residente. Kaya naman nang sila’y paalisin sa barangay, sila’y nagtumpukan sa highway.

Nagreklamo ang ilan na nasa 70 porsyento raw ng mga nabigyan ay ang mga hindi naman nasunugan sa lugar.

Dagdag ng mga ito, nagtanong-tanong sila kung makatatanggap pa sila ng ayuda. Ang sinagot umano ng sekretarya na hindi kasama ang mga nasunugan at matapos pa ng hard lockdown kung mabibigyan ang mga ito.

Mas ikinagalit ito ng mga tao na nag-ingay na sa labas. Naghintay pa rin sila hanggang alas-12 ng madaling araw ngunit wala na talaga silang nakuha.

Sa kasalukuyan, wala pa rin daw nakuha ang mga nasunugan. Isinailalim sa hard lockdown ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang buong distrito ng Tondo 1 mula Mayo 3 ng 5am hanggang Mayo 5 ng 5am.

Narito ang bidyo ng nangyaring pagtipon ng mga residente.

Kung binilisan at inagahan nyo lang sana pagbibigay ng pera nila hindi na aabot sa ganito…

Geplaatst door Jush Jush op Zaterdag 2 mei 2020

 

 

Loading spinner

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here