Pinas? Kamusta ka na? Naalala ko noong unang
Panahon. Tinagurian kang puso ng Asya.
Ngunit bakit parang naglalaho ka na?

Papayag ka bang maging isang probinsya?
Ng isang malaking bansa na Tsina?
Papayag ka bang maging tuta ng Estados Unidos?
Papayag ka bang patuloy na pagsamantalahan?

Hirap nang makasabay sa agos ng buhay dahil tila ba hirap na hirap ka na.

Pinas, baon na baon ka na.
Ngunit hindi pa huli ang nasasabing tapos na
Kailangan nating magtulungan, magkapit-bisig
at tumindig para sa bansa natin

Pilipinas, makakabangon ka
Pilipinas, makakalaya ka
laban sa mga mapagsamantala

Orihinal na nailathala sa Liga ng Kabataang Propagandista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here