Walang dalaw
walang pangalan
walang bilang
walang kandila.

Mayroong katabi
Mayroong nakakilala
Mayroong nakakaalam
Mayroong magbibigay ng liwanag

Mga puntod na winalang bahala
Mayroong magsasalita
Mga puntod na pinagpatong patong
Mayroong magbubuwal sa pagdating ng panahon.

 

===

Hulyo 2016 – Nobyembre 2019: apat na Undas na nakakalipas at dumadami ang mga puntod na ang tanging marka ay missing, pulot, cory, candido at blanko karaniwang pinagsama-sama sila sa mga puntod na ito dahil walang nakakilala nang sila ay patayin at itapon sa mga madidilim na lugar ng Bulacan. Hindi nabibilang kung ilan na sila. Ang tanging malinaw ay patuloy silang dumarami sa panahon ng “war on drugs.”

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here