Pagsunog sa planta ng Abante, kinundena

Larawan mula sa Abante News Group

Mariing kinundena ng pamunuan ng Abante News Group at iba’t ibang grupo ng mamamahayag ang ginawang pag-atake at pagsunog ng apat na armadong kalalakihan sa planta ng pahayagan sa Parañaque City, ngayong Lunes ng madaling araw.

Ayon sa pamunuan ng Abante, ala-una ng madaling araw nang puwersahang salakayin ng mga armadong saspek na nakamaskara ang planta ng Abante at binuhusan ng gasolina bago sinilaban ang mga makina at nakaimbak na mga supply ng imprenta. Natapos ang pag-atake sa planta sa loob ng limang minuto at dalawa sa mga empleyado ng Abante ang nasugatan, ayon din sa pahayagan.

“The management and staff of Abante and Tonite condemn this dastardly attack, the first violent act against our group and its facilities since 1987. We will not be cowed by this attempt to strike fear into our reporters, editors and staff. Our commitment to hard-hitting journalism remains unshaken,” pahayag ni Abante Managing Editor Fernando Jadulco.

[Ang pamunuan at kawani ng Abante at Tonite ay kinukundena ang duwag na pag-atake, ang una laban sa aming grupo at sa pasilidad nito mula 1987. Hindi kami matatakot sa tangkang takutin ang aming mga tagapagbalita, patnugot at kawani. Ang aming panata sa matapang na peryodismo ay hindi natitinag.]

Katatapos lang iimprenta ang dyaryo ngayong araw nang pinasok ang planta.

Inapula ng Parañaque Fire Station ang sunog para maiwasan ang mas matinding pinsala ng makina at mga suplay sa planta. Rumesponde rin ang mga tauhan ng National Capital Region Police Office sa plante upang imbestigahan ang insidente.

 

 

Kinundena rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang insidente. Sa pahayag ng grupo, sinabi nitong walang maaaring gawing katwiran sa isang malinaw na atake sa kalayaan ng mga pahayagan at sa pamamahayag.

Tinawag ng grupo na “walang hiya” ang ginawang pag-atake sa Abante na naganap pa mismo sa Kamaynilaan. Sinabi rin ng grupo na dinidiin ng insidente ang pagkalubog ng bansa at mamamayan sa culture of impunity (kultura ng kawalang-kaparusahan).

Dagdag ng grupo, maraming mga krimen at pag-abuso sa karapatang pantao ang nananatiling walang solusyon at malaya ang ang nagkasala.

Hinamon din ng grupo ang mga ahensyang nagpapatupad ng batas na pasubalian ang paniniwalang laganap ang culture of impunity sa bansa sa pamamagitan ng mabilis na paghuli sa mga nagsagawa sa pagsunog sa planta ng Abante at panagutin ang mga ito sa batas.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here