Iglap protesta ng Kabataang Makabayan sa Blumentritt, Manila sa paggunita ng ika-54 anibersaryo ng Bagong Hukbong Bayan.
Anila, pinagpupugayan ng mga kabataan ang nagaalab na pakikibaka at mga rebolusyonaryong tagumpay ng BHB sa kanayunan.
“Hangga’t nananatili ang reaksyunaryong US-Marcos at pagpapatupad ng mga huwad na batas, lumiliyab ang rebolusyonaryong kilusan bilang kagyat at pangunahing solusyon para tugunan ang pambansa at demokratiko nating kahilingan,” batid ng grupo.