Mga kabataan sa Metro Manila, namigay ng hot meals sa mga homeless sa Maynila

0
363

Namigay ng mga hot meals ang mga kabataan sa pangunguna ng Tulong Kabataan – Metro Manila (TK-MM) sa mga walang tirahang maralita sa Maynila nitong Martes, ika-8 ng Abril.

Isa sa mga naging proyekto ng TK-MM ay nang pumutok ang bulkang Taal sa Batangas nitong buwan ng Enero. Agad silang nangalap ng mga donasyon para ihatid sa mga apektadong pamilya sa Batangas. Hindi dito natapos ang inisyatiba ng mga kabataan, nasundan pa ito ng iba’t ibang programa kung saan itinuloy-tuloy nila ang pagtulong sa mga nangangailangan, halimbawa na lang ay nang masunog ang Baseco Compound at ngayon nga ay ang krisis sa ilalim Enhanced Community Quarantine (ECQ) ng pandemyang COVID-19.

“Mula noong pagsabog ng bulkang taal, hindi natapos ang pagtutulungan ng mga organisasyon ng kabataan upang magbigay ng tulong sa mga kababayan natin,” ani Ge Barredo, miyembro ng Anakbayan-Metro Manila.

Sa ilalim ng ECQ ay itinigal ang pampublikong transportasyon at ineengganyo ang “work from home” para sa mga nagtatrabaho sa mga opisina. Mahigpit din ang pagbabantay sa mga komunidad upang hindi lumabas sa kani-kanilang mga bahay.

Hindi ito masusunod ng mga maralita natin na ang bubong ay ang konkreto ng mga tulay at ang dingding ay mga pira-pirasong sako at karton. Pinakabolnerable ang mga kababayan natin na walang mga bahay, wala silang masisilungan at walang kakayahang bumili ng mga mask at alcohol, hindi rin sila nakatatanggap ng mga relief sa mga barangay dahil hinahanapan sila ng quarantine pass na binibigay lang kung residente ka sa barangay na iyon.

“Sila ‘yung mga nasa laylayan talaga e, walang plano ang gobyernong ito para sa kanila, mga tao rin sila at biktima ng mapang-aping sistema,” dagdag ni Barredo.

Larawan mula sa TK-Metro Manila FB page

Ayon sa tala, nasa 2 milyon ang mga walang tirahan sa buong Kamaynilaan. Karamihan sa mga ito ay biktima ng demolisyon, kalamidad at sunog na wala ng pagpipilian kung hindi ang manirahan sa mga kalsada.

May mga kasunod pang relief drive operation ang mga organisasyong ito. Ayon sa kanila ay sunod daw nilang bibigyan ang mga nastranded na mga estudyante sa kani-kanilang mga dorm matapos ipatupad ang ECQ.

Sa mga nais magbigay ng donasyon, maaring kumontak sa 0955-899-3410 o magpadala sa BPI Account Name na Agatha Hazel Rabino na may account number na 435-927-1706. Tulong Kabataan Metro Manila Facebook

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here