Biyernes ng umaga, nagtungo ang mga manininda sa ilalim ng samahan ng United Vendors Alliance sa munisipyo ng Maynila upang idulog sa tanggapan ni Mayor Isko Moreno ang kanilang hinain hinggil sa mga clearing operation sa mga manininda sa nasabing lungsod.

Ayon sa grupo hindi naman sila tutol sa pag sasaayos sa lungsod at nais lamang nila na magkaroon ng konsiderasyon upang sila ay makapag hanap buhay.

“Ang sabi po niyo basta hindi kami sa kalsada, basta nakataas sa bangketa kami at hindi namin nahaharangan ang pedestrian pwede kami mag tinda kahit sino ang pumunta sa Padre Faura kami po ay malinis sa hanay ng maninida ng PGH (Philippine General Hospital). Kaya mayor kami ay nakikiusap sa inyo na kami po ay pag bigyan nyo para makapag tinda, dahil kung hindi nyo po kami pinag bigyan parang pinatay nyo na po ang buong pamilya namin. Ang aming mga anak at apo ay nag-aaral, dyaan namin kinukha sa aming hanap-buhay ang kita.” Sabi ni Adelaida Capariño, manininda sa Padre Faura

Kinundina rin ng UVA ang mga marahas na mga clearing operation na naranasan ng mga manininda at nais nilang idulog kay Mayor isko na imbestigahan ito.

Geplaatst door KADAMAY-Manila op Woensdag 28 augustus 2019

Bidyo ng mga manininda noong Agosto 28, 2019

Pahayag ni Joel Miralpes tagapagsalita ng UVA, “Gusto naming imbestigahan, lalo na ni mayor ang mga nangyayaring clearing operation. Bakit? Tingin namin merong iligal na nangyari sa mga clearing operation. Nag clearing sila walang notice wala manlang tayo natanggap dahil samahan tayo karapatan nating humingi nang ganon. Pangalawang, iligal na kinuha nila mga paninda natin karapatan natin yun sapag mamay-ari. Pangatlo, nag clearing operation sila ng holiday, kahit ano’t ano man wala dapat clearing operation ng holiday.”

Sa huli, Inihapag naman din ng grupo ang kanilang alternatibo na kung saan sila pwede ilipat na pwesto upang makabalik sa pag tintinda. Ito ang makapag tinda sila sa mga parke, plaza at sa mga palengke, dahil ayon sa grupo sa mga parke, plaza at palengke hindi sila maaring obstruction dahil hindi naman ito daanan ng sasakyan.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here