1 Nakita nga ni Juan Kristo sa kanyang panaginip noong unang nasilayan ang kabus , sa loob ng tatlong gabi, sa buwan ng Marso si Apolaqui na nasa tungki ng Bundok Bulalakao.

2 Nakaluhod ito sa harapan ng isang tuyong sanga ng ipil-ipil pagkuwa’y bigla siyang tinitigan ni Apolaqui.

3 Sabi ni Juan Kristo, “ Nakita ko sa bola ng kanyang mata ang isang magaganap.

4 Dadapo sa mga bansang mayaman at mahirap ang isang uri ng sakit.

 5 May mga mangabubuwal sa kanilang mga nasasakupan.

 6 Mga lider.

7 Mga may sinasabi sa buhay.

8 Mayroon din namang mga karaniwan.

9 Magkakagulo dahil sa kabuhayan at pagkain.

10 Pipilitin ng mga tao na isalba ang kanilang sibilisasyon.

11 Nakita ko pang kailangang magtulungan ng mga bansa.

12 Kailangang pilitin nila magkakaiba man ang tibok ng kanilang puso at kumpas ng isipan maging ng sikmura.

13 Kailangan sapagkat kung hindi nila gagawi’y akin ngang nakita sa mata ni Apolaqui ang ikalawa niyang pagparito sa lupa.

 

 

Marso 21, 2020

Tala:

Kabus- Iluko ng full moon.

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here