[ultimate_spacer height=”10″]

Itinutulak ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-amyenda sa Human Security Act (HSA) of 2007 o Republic Act (RA) 9372. Maingay ang pagsuporta rito ng mga susing opisyal sa kanyang gabinete gaya nina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año at Department of National Defense Sec. Delfin Lorenzana – pawang mga dating hepe ng Armed Forces of the Philippines.

Sinabi pa nga ni Esperon noong Oktubre 2019 na hindi na kakailanganin ang ekstensyon ng noo’y magdadalawang taong Martial Law sa Mindanao kung ang Kongreso ay maipapasa ang amyenda sa HSA. Binibigyan ng HSA ng mga ligal na instrumento ang law enforcement at mga korte na kumprontahin ang mga banta ng terorismo sa bansa. Magiging mas mainam pa ngang kasangkapan aniya ang HSA para sa kanila kaysa sa Martial Law at marami ring limitasyon ang naging Martial Law sa Mindanao gaya ng kailangan pa nilang kumuha ng permiso nito sa Kongreso.

Ani Esperon, hindi “user-friendly” ang kasalukuyang HSA.

Tinututulan ng mga progresibong organisasyon, aktibista, human rights defenders, grupo ng mamamahayag at iba pang grupo ang mga nakasalang na panukalang amyenda.

Dati na ring mariing ipinrotesta ng mga grupong ito ang pagsasabatas sa HSA dahil sa mga paglabag nito sa karapatang pantao at kalayaang sibil, lalo pa sa panahon ng malawakang protesta laban sa panunungkulan ni dating pangulong Gloria Arroyo kung saan sinubukan niya ang iba’t ibang emergency powers gaya ng PP1017 at Calibrated Preemptive Response.

Bago pa naipasa ang HSA, lumobo ang naitalang paglabag sa karapatang pantao sa siyam (9) na taong panunungkulan ni Arroyo sa ilalim ng kanyang programa kontra-insurhensyang Oplan Bantay Laya 1 at Oplan Bantay Laya 2, kung saan tinuturing na ‘kaaway’ ng militar o ‘combatant’ na rin ang mga aktibista sa hanay ng mga ligal na organisasyon dahil umano ‘front’ ang mga ito ng New People’s Army. Ito rin ang panahong nakilala rin sa mga progresibong grupo ang kanyang heneral na si Jovito Palparan (convicted at nakakulong ngayon sa Bilibid sa kidnapping at pagkawala ng dalawang estudyante ng UP na nawawala mula pa 2006) bilang ‘berdugo’.

Sinasabing mas masahol na bersyon pa nga sa HSA ang mga panukalang amyendang sinusulong ngayon ng mga mambabatas sa Kongreso.

Nakasampa naman ang House Bill 482 ng Makabayan bloc sa Kongreso na pinababasura ang HSA.

Himayin natin ang HSA at mga panukalang amyenda nito.

[ultimate_spacer height=”10″]

1. Ano ang Human Security Act of 2007?

[ultimate_spacer height=”10″]

Ang Human Security Act (HSA) of 2007 o Republic Act (RA) 9372 ay isang batas na nilagdaan ng dating presidenteng Gloria Arroyo upang protektahan umano ang mga mamamayan mula sa terorismo.

[ultimate_spacer height=”10″]

2. Ano ang mga nakasalang na panukalang amyendang batas sa RA 9372?

[ultimate_spacer height=”10″]

Nasa ikatlong pagbasa na sa Senado ang panukalang amyenda sa HSA at nasa ikalawang pagbasa naman sa Mababang Kapulungan. Tinatayang magtatapos ang sesyon ng Kongreso sa Marso 11 at mukhang pinapabilis ng Kamara ang pagpasa sa batas.

Nakasalang sa House of Representatives ang House Bill Nos. 551 (Rozzano Rufino Biazon, Muntinlupa), 2082 (Jericho Jonas Nograles, Puwersa ng Bayang Atleta Partylist), 2847 (Luis Raymund Villafuerte, Jr., Camarines Sur 2nd district), 3103 (Michael Romero, 1-Pacman Partylist), 3413 (Jocelyn Tulfo, Eric Yap at Rowena Nina Taduran, ACT-CIS Partylist) at 5710 (Lianda Bolilia, Batangas 4th district).

Nakasalang naman sa Senado ang Senate Bills Nos. 6 (Tito Sotto), 630 (Imee Marcos) at 1083 (Tito Sotto, Imee Marcos, Panfilo Lacson at Senate Committee sa National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation at Finance). Kung ihahambing sa mga nakasalang sa Mababang Kapulungan, mas mababa ang mga parusa ang nakasalang na panukala sa Senado.

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

3. Bakit inaamyendahan ang HSA?

[ultimate_spacer height=”10″]

Bagaman tiranikog batas na ang HSA para sa mga progresibong grupo ay tinuturing pa itong “mahinang batas laban sa terorismo” ng mga nagsusulong nito.

Tampok na kumon sa mga panukalang amyenda sa HSA ang mga sumusunod:

  1. Pagpapahaba ng panahon ng warrantless arrest
  2. Pagpapahaba sa panahon ng paniniktik sa mga pinaghihinalaang gumagawa o kasabwat sa terorismo
  3. Pagtanggal sa multang P500,000 kada araw sa bawat araw na naikulong ang isang saspek na mapapatunayang walang-sala. Babayaran ito ng ahensya ng nag-akusa, nanghuli o nagdetine.
  4. Pagtanggal sa multang P500,000 kada araw sa bawat araw na na-freeze o na-forfiet ang bank account o deposits ng isang saspek na mapapatunayang walang-sala. Babayaran ito ng ahensya na nagpatupad ng pagpa-freeze sa account
  5. Pagtanggal o lubhang pagpababa ang mga parusang pagkakakulong sa mga pulis, militar o awtoridad na lalabag sa mga probisyon ng batas (karaniwang maaaring paglabag na gawin nila ay paglabag sa karapatang pantao ng akusado)
  6. Hindi pa man naibabalik ang ‘anti-subversion law’ na makailang ulit nang nais buhayin ng kasalukuyang administrasyon, magagamit ang susog sa HSA para maaari nang ituring ang mga kritiko ng gobyerno at mga aktibista bilang pinaghihinalaang gumagawa, kasabwat o sumusuporta sa terorismo o idedeklarang teroristang organisasyon ang kanilang organisasyon, at gagawing lehitimo ang red-tagging at padedeklarang iligal sa mga organisasyon.
  7. Pagtanggal sa pagsasabi (wording) o bahagi ng pagkilala sa karapatan ng mamamayan na nakasaad sa Konstitusyon at iba pang may kinalamang batas sa pagsasagawa ng tungkulin at mandato ng Anti-Terrorism Council na sugpuin ang terorismo sa bansa.
[ultimate_spacer height=”10″]

4. Ano ang mga depinisyon ng terorismo o mga krimen na tinuturing na terorismo sa amyenda sa RA 9372?

[ultimate_spacer height=”10″]

Ang mga krimeng pamimirata sa dagat, rebelyon o insureksyon, kudeta, pagpatay, kidnapping, arson, hijacking, piracy ay highway robbery, illegal possession of firearms, pagiging kabahagi sa bentahan ng iligal na droga, human trafficking, financing terrorism at cybercrime o anumang iba pang krimen na ang magiging epekto nito ay intimidasyon sa publiko (sa kalikasan man o konteskto lang), para pilitin ang gobyerno, isang internasyunal na organisasyon o indibidwal na gumawa o ‘di gumawa  ng isang bagay ay tinuturing na terorismo.

Ang mga nalistang krimen ay mayroon nang depinisyon at kaukulang parusa sa Revised Penal Code, kung kaya’t dagdag pang kasong maaaring isampa ang terorismo o paglabag sa HSA.

[ultimate_spacer height=”10″]

5. Ano ang mga panukalang pagbabago sa batas?

[ultimate_spacer height=”10″]

Una sa lahat, babaguhin ang titulo ng batas. Mula Human Security Act ay gagawin itong Anti-Terrorism Bill.

Bukod sa titulo, makikita sa talaan sa baba ang mga sinusulong na pagbabago sa HSA

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

6. Mga hindi malinaw at mapanganib na pormulasyon ng batas at panukalang amyenda nito:

[ultimate_spacer height=”10″]
  1. Suspected or charged with the crimes of terrorism – ang mga krimen ay may parusa na sa batas ay magagamit para masabing terorismo o terorista ang gumagawa; maaari nitong labagin ang karapatan ng indibidwal laban sa double jeopardy (makasuhan ulit sa isang bagay na nakasuhan na siya at napatunayang walang sala), sa Hernandez Doctrine (‘pag kinasuhan o pinarusahan sa kasong rebelyon ay hindi na dapat makasuhan at maparusahan ng iba pang kaso) at paglabag sa karapatan sa due process
  2. Has been committed, is being committed, is about to be committed – tila maaaring batay suspetsa o haka-haka ay mahuli, makulong, makasuhan kahit wala pang ginagawa o nangyayaring teroristang atake
  3. Conspiracy to commit terrorism – hindi na kailangan na 2 o marami pang tao ang kailangang maging konspirador ng terorismo, tinatayang ang isang tao ay pwede nang gumawa nito
  4. Inciting to terrorism – paano mapapatunayan ang pag-uudyok sa terorismo?
  5. Providing material support – maging advice o payo ay tinuturing na materyal na suporta na may parusang life imprisonment hanggang kamatayan na walang parole; paano ang kapamilya o kaibigan ng mga saspek (gumagawa, kasabwat o sumusuporta) sa terorismo na bahagi naman ng kanilang buhay pamilya o kaibigan ang pagbibigayan ng suporta gaya kunwari nakatira sa isang bahay o mayroong pagkain sa bahay?
  6. Glorification of terrorism – kung gumawa ba ang isang media network ng balita hinggil sa isang Abu Sayyaf o sa isang organisasyong pagbibintangan ng militar na ‘front’ ng isang tinuturing ng gobyerno na teroristang grupo na kasalukuyang nitong ginagawa sa kampanyang ‘red tagging’, deklarasyon na ‘persona non grata’ nito, masasabi ba at makakasuhan ba sila ng glorification of terrorism?
[ultimate_spacer height=”10″]

7. Mga nilalabag na karapatang pantao at kalayaang sibil

[ultimate_spacer height=”10″]

Dati nang binatikos ang HSA na lumalabag sa mga karapatang pantao at kalayaang sibil na kinikilala at pinoprotektahan ng Konstitusyon ng bansa at ng mga internasyunal na kasunduan sa pagrespeto sa karapatang pantao.

Ang mga nilalabag na karapatan at kalayaan ng HSA at amyenda nito ay ang mga sumusunod:

[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

8. Pagbabalik ng sentensyang kamatayan

[ultimate_spacer height=”10″]

Ang mga mapapatunayang lumabag sa inamyendahang HSA – gumagawa, accomplice, accessory, conspirator, inciting to terrorism, nagbigay ng materyal na suporta – ay maaaring mapatawan ng parusang habambuhay na pagkakakulong hanggang kamatayan (death penalty), na walang pagkakataong makakuha ng parole.

Kasalukuyang walang death penalty sa bansa.

[ultimate_spacer height=”10″]

9. Tungo sa pangmalagiang batas militar o estado militar?

[ultimate_spacer height=”10″]
  1. Ang sinusulong na amyenda sa HSA ay magbibigay ng kapangyarihan sa militar na magpapatupad ng batas (law enforcement) o manghuli at magdetine sa bisa o ngalan ng HSA, sa halip na mga pulis na may sibilyang awtoridad lamang.
  2. Bubuuin ang Anti-Terrorism Council kung saan kabahagi ang halos lahat ng ahensya ng gobyerno o mga sibilyang ahensya. Ang Anti-Terrorism Council ay kasalukuyang binubuo ng Executive Secretary (na magiging chairperson nito), kalihim ng DFA, DND, DILG, DOF at National Security advisor. Idadagdag dito ang kalihim ng DICT, DOST, DOT, DOLE at DepEd. Imbis na ituon ang atensyon at rekurso sa frontline services, ikakasangkapan ang mga sibilyang ahensya (nagbibigay-serbisyo sa mamamayan at hindi kalahok sa gera) sa kampanyang kontra-insurhensya ng militar at ehekutibo at bumubuo ng legal na istruktura ng pagpapatupad ng isang ‘di deklaradong batas militar.
  3. Malaya at madaling pagtapak at paglabag ng mga karapatang pantao at kalayaang sibil sa ngalan ng ‘kontra-terorismo’, ‘national security’, ‘public interest’, ‘public order and safety’, at iba pang pangangatwiran nang walang pananagutan dahil tinanggal ang mga parusa sa mga law enforcement o militar na gagamitin ang batas na ito para maniktik, manghuli, magdetine ng mga saspek sa terorismo.
[ultimate_spacer height=”10″][ultimate_spacer height=”10″]

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here