Ito ang naging panawagan ng iba’t ibang progresibong grupo sa isinagawang serye ng mga pagkilos sa harap ng Camp Karingal at Quezon City Hall upang kundenahin ang pag-aresto kay Myrna Cruz-Abraham, kilalang lider-aktibista sa sektor ng kababaihan, manggagawa at katutubo.
Isa siya sa mga founding member ng Sandiwa – Network of Advocated for National Minority (SANDIWA) na nagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo, moro o pambansang minorya at aktibong miyembro mula 2017 hanggang kasalukuyan.
Inaresto kahapon si Cruz-Abraham sa San Rafael Bulacan sa bisa ng warrant of arrest sa mga kasong frustrated murder na inilabas ng Cagayan Regional Trial Court Branch 9.
Ani mga grupo na ang pag-aresto kay Cruz-Abraham sa pamamagitan ng gawa-gawang kaso ay porma lamang ito ng political persecution laban sa mga aktibista’t progresibo.
Kasalukuyang nakakulong si Cruz-Abraham sa Camp Karingal.









