Noong Hulyo 4, hinuli ang 11 aktibista sa Cabuyao, Laguna bandang alas-5 ng hapon matapos maglunsad ng protesta sa tapat ng Barangay Hall ng Pulo, Cabuyao sa Laguna bilang pagtutol sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa Anti-Terrorism Act of 2020 noong Hulyo 3 sa kabila ng malawak at maingay na pagtutol ng taumbayan dito.

Ang mga hinuli ay sina:

  1. Casey Cruz. Spokesperson, Bayan Timog Katagalugan
  2. Kyle Angelo Salgado, Spokesperson, Karapatan Southern Tagalog (ST)
  3. Shirley Songalia, Secretary General, Gabriela ST
  4. Miguel Portea, Spokesperson, STARTER-PISTON
  5. Marife Valdeavilla, Secretary General, Kabataan Partylist Laguna
  6. Helen Catahay, Gabriela ST
  7. Fatima Banjawan, Gabriela ST
  8. Emmanuel Numeron, Bayan Muna Youth
  9. Jemme Mia Antonio- Liga ng Manggagawa
  10. Sweden John Aberde, Pamantik KMU
  11. Renero Maarat, Pamantik KMU

Ayon sa Kabataan Partylist Laguna, nagliligpit na lamang sila nang sila’y lapitan at hulihin ng mga sundalo ng 2nd Infantry division ng Philippine Army at ng Philippine National Police Cabuyao, kung saan ang ilan ay nakasibilyan, at dinala sa municipal police station ng Cabuyao.

Ayon sa pahayag ng isa sa mga hinuli na si Casey Cruz ng BAYAN ST, spokesperson tinanong nilaang mga humuhuli sa kanila kung ano ang kanilang kaso, ngunit hindi sila sinagot ng mga ito at sinabing ang kanilang hepe na lang ang kanilang kausapin. Ayon din kay Cruz, marahas ang panghuhuli sa kanila na may pananakal gamit ang braso, pananabunot at pangangaladkad.

Ayon kay Charmane Maranan ng DEFEND-ST, hanggang ngayong umaga ay hindi pa rin nila alam ang ikakaso sa mga hinuli.

“As of now wala silang sinasabi na charges against doon sa 11, ang sinasabi lang nila ay hintayin si hepe para makausap. Si hepe ay si mister Ridon Garduque pero past 10 pm pero wala pa rin,” ani Maranan

Dagdag pa ni Maranan, may mga nagtamo ng mga sugat ang tatlo sa mga hinuli, kasama na sina Songalia at Portea.

Ani Maranan, “We will negotiate kasi wala naman charges, they are practicing social distancing at the same time peaceful yung assembly tapos na yung program meron silang karapatan, kaya dapat palayain na sila.”

InterServer Web Hosting and VPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here